kamusta ka na? okay ka lang ba jan? kumakain ka ba ng 3 beses sa isang araw? ano ginagawa mo pangpalipas ng oras mo jan? sino kasama mo jan? masaya ka ba jan? namimiss mo ba ako? hinahanap mo ba ako? mahal mo pa ba ako?...
daming tanong di ko maitanong. alam ko pareho tayong naglalakad sa napakakitid na lubid sa ngayun, parehong maingat wag mahulog. dahil alam ko oras na mahulog tayo magigising tayo sa realidad na ayaw natin harapin sa ngayon. ang realidad na malayo na tayo. alam ko subuk tayong nagpapanggap, sa bawat usap natin sa bawat text at ym. pareho natin ayaw harapin ang problema. dahil pareho nating alam kahit mapuyat tayo pagusapan nito hindi pa rin natin ito pareresolbahan. pikit mata tayo ngayun sa katotohan, pero alam ko sa mga di inaasahang pagkakataon nararamdaman mo din ang kawalan ng pagasa. masakit tanggapin na ang taong akala mong sayong sayo na ay hindi pa pala saiyo, at kahit kailan pa man di maggiging sa yo. pero papano mo bibitawan ang isang bagay na sobrabg alam mo parte na ng buhay mo. na kahit manhid ka na sa sakit, at sa lungkot, andyan parin sya sa iyo, parte ka na nya. papano mo tatanggalin ang bahagi ng isang tao nakatatak na saiyo? ginawa ko naman ang lahat, para patunayan sa sarili ko na wala na, pero sa huli ikaw parin, at hanngang ngayon nandito pa rin ako.
Monday, October 30, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment