Thursday, April 19, 2007
sulat
sobrang bigat sa loob ko nung nangyari. Sobrang manhid ko na ngayun dahil ayoko ko na makaramdam. Kung pwede ku lang burahin yung nangyari sa isip ko buburahin ko sya. Pero gusto ko malaman mu na buo ang loob ko na ituloy sya para sa iyo. Alam ko alam mu yun, bagu tayu nag desisyun alam ko nakita mo yun. Pasensya na kung hindi ko pa kaya, alam ku kung ibang babae yun itutuloy nila. Pero ako, hindi ko alam alam ku kasi na hindi pa aku handa, at kung me paraan para bumawi ako gagawin ko. Hindi ko alam kung papanu na tayu pagkatapos nito, mahal na mahal kita, pero alam ko pareho tayung nasaktan sa nangyari, alam ko kahit pilit natin ibalik sa normal ang lahat nasa mata natin at nasa puso natin yung bigat na naramdaman natin. Sana nga walang bibitaw. Kahit anu pa man mangyari, sana walang sisihan sa huli, sana mas lumalim pa yung nararamdaman natin sa isat isa. Sorry na mahina ang loob ko, sorry na hindi ko pa kaya. Ngayun tatanggapin ko nalang ang epekto ng naging desisyun natin. Pero alam ko na pareho na tayu nagsisimula ng bagung buhay ngayun. Babawi tayu, sana bigyan pa tayu ng pagkakataun.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment