Wednesday, June 13, 2007

crisis

hindi na ata ako nawalan ng problema,last year, love life ko, tapus itong taun personal na problema, tapu sito career ko. Katatapos ko lang sa isa akala ko may bagung buhay na ako, ito naman ang sumunod. minsan nakakainis na yung mga bagay na plinanao mo e hindi matutuloy dahil sa mga di inaasahang mga pangyayari. Problema ko ngayun e ang trabaho ko, me problema ang bellpeper, at dahil kailangan ko kumita ng pera kailangan ku na umalis sa lalo madaling panahon, nakakainis lang dahil nakaplano na lahat e, kaya ako bumalik ng bell para makapagipon, pambili ng laptop, o para makapagaral mag web, kasu sa di inaasahang pagkakataon e nagkaproblema pa. Alam ko hindi naman sinsadya mga ganung bagay, pwede naman ako manatili sa bell habang nag rerecover sila, kasu hindi narin maganda ang atmosphere sa opisina. At napagtanto ko na malagpasan man ng bell ngayun ito, di malayo baka maulit muli, marami naman na ako naaplyan, pero isusugal ko nanaman sarili ko sa mga kumpanyang ito, ngayun hinahanap ko nalang ang kumpanyang makapagbibigay sakin ng may pinakamagandang benefits. Matagal nga lang at nakakainip ang proseso,at mahirap pumunta sa mga interview habang pumapasok kaparin sa opisina,ang pangat ng feeling ng di mu alam sa ka pupulutin, yung kumpanyang pinagtratrabahuan mo parang roller coaster ang problema, ayoko naman magsisi na umalis ako ng indio dahil alam ko hindi na ako masaya dun, ngayun lang sana makita ko na yung kumpanya na tatagalan ko, parang lovelyf din kasi ang career eh, nag daming pagsubok bagu mu makita yung tamang trabaho para sa iyo, susugal ka para makakuha ng experiences. Bibitaw ka para me pumasok mga bagung opportunities. Pero siguro pinakaimportante ay wag mu isakripisyo kasiyahan mu. Hanggat maari gawin mu pa rin yung trabahung alam mong makapagpapasaya sayo. Pero ngayun mature na rin ako, kung dati nagiipon lang ako ng experiences sa mga kumpanyang pinapasukan ku, kung dati gusto ko lang mattuto at pag naramdaman ko nagiging stagnant na ako lilipat na ako sa iba, ngayun hahanap na ako ng kumpanyang alam ko tatagalan ko. 24 na rin ako, wala pa rin ipon, panaho na rin magsettle down, sa ngayun enjoy nalang muna sa paghahanap ng trabaho at samga dram na nangyayari sa opisina.

No comments: