Wednesday, June 27, 2007

the grand plan

Resign ako sa Monday kunin ang trabaho sa Affinity
Pros:
1. Nakaalis na ako sa Bellpepper
2. Regular na ule ang sahod ko
3. Makakapagipon na ako
4. Mamumulat na ang mata ng boss ko na hindi okay yung ginagawa nyang cost cutting
Cons:
1. 6x a week sa affinity
2. shifting

Kung my choice pa ako iba at kung may oras pa ako hindi ko papasukin ang affinity.. Pero anu nga ba maganda gawin ko? Magstay sa Bell habang nagaantay ng mas maganda pang opportunity.. kasu pag ginawa ku yun, may tendency na mahirapan na ako umalis lalo na kapag maunahan ako ni dan and rt. Sayang ang oras ko sa bell dahil wala na dun ang puso ko. Kapag di ako lumipat agad liliit matatanggap kong 13th month sa bagu kong lilipatan. Matagal maghanap ng magandang lilipatan.. at oras ang wala ako ngayun, lalo na kung nangangarap ako magka laptop sa december. Sa panahon ngayun mataas narin ang 17k na starting, sabi ng mga kaofficemate ko mababadaw, dapat 20k ang starting at 5x a week yung ang ideal na rate.. oo makakahanap ka ng ganun pero oras ang gugugulin mo, bagay na wala ako ngayun. Ngayun hindi ko naman kailangan ng 2 araw na restday, usually tinutulog ko lang naman ang sabado ko ngayun, atleast ngayun bayad ang sabado ko magtratrabaho nga lang ako.. hay mahirap magdecide, lalo na sunud sunud yung problema ko ngayun taon nakakatakot gumalaw mamya palpak nanaman hehe. Pero sa lahat naman na kapalpakana ku ngayun taun isa lang talaga ang masasabi ko sumablay talaga ako.. dapat hindi ako bumalik ng bellpepper.. naghanap nalang sana ako agad ng iba nung panahon na nagresign ako sa indio.. sobrang waist of time, at nakakabadtrip lang.. pero okay na monday resign na ako.

No comments: