Saturday, September 22, 2007


sunday

ang sarap ng feeling ng sunday, makulimlim at walang ginagawa, wag mo lang iisipin na papasok nanaman kinabukasan. Ang dami kong agenda ngayun araw na ito kasu nakakatamad kumilos ang sarap humilata na lang buong araw, para may energy ako sa sususnod na 6 na araw. Nakakapagod itong week na ito, nalipat ako ng account na punta ako sa pitch team, special forces yun sa lahat ng accounts pero sobrang sakit sa ulo ng boss. Parang masgugustuhin ku pa bumalik sa dati kong account kahit na quark ang gamit nilang software.. anung pipiliin mu, sakit sa ulo na boss o sakit sa ulo na software? nakakamiss na bakante ang sabado, pero may usapusapan sa office na by november magiging 5 working days nalang kami basta mapuno na lahat ng slots sa upisina.. sana nga. Nung friday linibre ako ni arnee sa sbarro, nakakatawa isipin na nun lang ako nakakain sa sabarro, ewan ku ba bakit di ko naiisipan magfoodtrip dun, marami kasi tao lagi kaya siguro. Walang tao sa bahay ngayun kasi umuwe sila ilocos, namatay na kasi ang lolo ko sa motherside, halos ilang bwan lang pagitan sa lola ko fatherside, iniiwan na tayu ng henerasyon nila. kapag may mga ganyang pangyayari nakakapagisip ka rin na maraming bagay tulad ng kahit di mo napapansin na lumilipas ang oras, walang hinto talaga yun tumatanda tayo bawat araw,nakakatakot isipin na isang araw magigising ka nalang ilang taon ka na pala di mo man lang naramdaman dahil masyadu busy ang buhay. Sana pwede hindi magtrabahu. Kasi pagnagtratrabahu ka ang bilis ngaraw dahil naghihintay ka lagi ng kinsenas. One week pa bagu magsweldu, bwan bwan nalang sabi ko sa sarili ko na magiipon ako kasu di ku talaga magawa. ewan ku ba bakit, nagtitipid naman akoe, kasu pagdating ng weekend dun ako nakakapagsplurge, pero imnproving naman ako kasi one week nalang sweldu na kahit papanu may 1k panaman ako. Dibaler next payday di ko gagalawin yung 2k sa sweldu ko mag lolong cut nalang ako sa pagpasok sa office para matipid. Haay ang sarap ng linggo, ang sarap ng restday. sana laging ganito...

Sunday, September 09, 2007

Sobrang tagal ng week na ito, feeling ko dalawang linggo ang nakalipas imbis na isa.. nalipat ako ng team kaya halos wala akong ginawa buong linggo dahil majority ng teamates ko ay nasa one week training pa na natapos ku na, so kaming tatlo na nauna magtraining ay nakatenga sa opisina at nag browse buong linggo, grabe lahat ata ng design sites napuntahan ku na, lahat ng tutorial sa net eh ginawa ku na,araw araw parang torture ang isang oras dahil nakakabaliw walang ginagawa. Pero ngayun lang siguro ito, dahil yung linipatan kung team ay production, so malamang balik nanamana ko sa walng tulugan at overtime forever klase ng buhay once nagsimula na ang operations ng opisina. Marami naman ako nagawa ngayun linggo kahit trabahu opisina nalang ako.. 3 beses din kmi nagkita ni arnee, kahit paguwe ng bahay e kain tulog nalang kami, tapus alis ule ng umaga, atleast magkasama. Sabi nga nya sobrang bitin, pero ganun talaga,kung pwede lang hindi magtrabahu, kasu hinde pwede.. Sweldu nanaman sa friday sa wakas, 200 nalang pro ko sa wallet, mukhang mangungutang nanaman ako para makasurvive till friday. Matapos lang itong september magsisismula na ako magipun kapag, nabayaran ku na lahat ng dapat ko bayaran. Saklap lang kasi walang libre dito sa bahay namin lahat kailangan bayaran, daddy ko lang ang mejo ko nabobola minsan. Sa december mukhang magiging indee na ako, lilipat na sila sa tagaytay, at nasa akin option kung magsasama akmi ng kapatid ko o magahahnap ng sarili kong lugar atleast malapit sa ortigas. Siguro panahon na nga rin para matuto din ako ng mgagawain bahay na kailangan ku matutunan, mejo nahihiya nga ako ke arnee at mas marunong pag sya magluto kesa saakin. Gusto ko na rin yun mangyari para mejo magmature na rin ako, dahil alam ko hanngat may mga magulang ako mauutangan at masasandalan aasa at aasa nalang ako lagi sa kanila. Plano namin ng ate ko magrent sa roxas, yung apartment ng gf nya, mura lang 7k lang nag rent, pero mejo malayu parin sa ortigas, sana matuloy yung plano ng office na maglipat sa up. Sina mommy and daddy naman lilipat sa tagaytay dahil andun na ang business ni daddy. At retirement na rin nila,siguro panahon nangarin, minsan napaguusapan na rin namin arnee magsama pero wala pa pagmejo lumakilaki siguro sweldo namin pwede na. Minsan nga iniisip ko bakit yung iba nagmamadali magsama at magpakasal, e nag sayasaya naman ng buhay na hindi ka nakatali kung kanino. Masaya ako na kahit di pa kami kasal, ayoko maghangad pa ng higit dun sa ngayun, kasi sobrang sakit sa ulo. Ayusin ko muna buhay ko, finces ko bagu ko siguro maisip yun. Ayan naka pag blog nanaman ako, kahit once a week lang atleast may entry pa rin, Monday nanaman bukas pasok nanaman.

Saturday, September 01, 2007

ang buhay ng batang walang buhay

Gigisng ako ng 7:30 am aalis ng bahay ng 8:30, mag lologin sa opffice ng 10:00 logout ng 7:00 uuwe ng bahay ng 9:00 magpapahinga saglit tapus ma tutulog na, ito ang routine ko hanggang sabado, walang buhay. Masaya naman sa opisina dahil hindi panaguumpisa ang actual production, pero pagnagumpisa na di ko lang maimagine kung papanu? lilipas nanaman ang isang taon nang di ko mararamdaman, di ku na nga nasusulit ang dsl ko sa bahay dahil twing linggo ko nalang nagagamit, pati pc ko kababagu pa naman di ko pa masyadu nabibinyagan, wala na rin ako maisip maisulat sa blog na ito, hehehe.