Sunday, September 09, 2007
Sobrang tagal ng week na ito, feeling ko dalawang linggo ang nakalipas imbis na isa.. nalipat ako ng team kaya halos wala akong ginawa buong linggo dahil majority ng teamates ko ay nasa one week training pa na natapos ku na, so kaming tatlo na nauna magtraining ay nakatenga sa opisina at nag browse buong linggo, grabe lahat ata ng design sites napuntahan ku na, lahat ng tutorial sa net eh ginawa ku na,araw araw parang torture ang isang oras dahil nakakabaliw walang ginagawa. Pero ngayun lang siguro ito, dahil yung linipatan kung team ay production, so malamang balik nanamana ko sa walng tulugan at overtime forever klase ng buhay once nagsimula na ang operations ng opisina. Marami naman ako nagawa ngayun linggo kahit trabahu opisina nalang ako.. 3 beses din kmi nagkita ni arnee, kahit paguwe ng bahay e kain tulog nalang kami, tapus alis ule ng umaga, atleast magkasama. Sabi nga nya sobrang bitin, pero ganun talaga,kung pwede lang hindi magtrabahu, kasu hinde pwede.. Sweldu nanaman sa friday sa wakas, 200 nalang pro ko sa wallet, mukhang mangungutang nanaman ako para makasurvive till friday. Matapos lang itong september magsisismula na ako magipun kapag, nabayaran ku na lahat ng dapat ko bayaran. Saklap lang kasi walang libre dito sa bahay namin lahat kailangan bayaran, daddy ko lang ang mejo ko nabobola minsan. Sa december mukhang magiging indee na ako, lilipat na sila sa tagaytay, at nasa akin option kung magsasama akmi ng kapatid ko o magahahnap ng sarili kong lugar atleast malapit sa ortigas. Siguro panahon na nga rin para matuto din ako ng mgagawain bahay na kailangan ku matutunan, mejo nahihiya nga ako ke arnee at mas marunong pag sya magluto kesa saakin. Gusto ko na rin yun mangyari para mejo magmature na rin ako, dahil alam ko hanngat may mga magulang ako mauutangan at masasandalan aasa at aasa nalang ako lagi sa kanila. Plano namin ng ate ko magrent sa roxas, yung apartment ng gf nya, mura lang 7k lang nag rent, pero mejo malayu parin sa ortigas, sana matuloy yung plano ng office na maglipat sa up. Sina mommy and daddy naman lilipat sa tagaytay dahil andun na ang business ni daddy. At retirement na rin nila,siguro panahon nangarin, minsan napaguusapan na rin namin arnee magsama pero wala pa pagmejo lumakilaki siguro sweldo namin pwede na. Minsan nga iniisip ko bakit yung iba nagmamadali magsama at magpakasal, e nag sayasaya naman ng buhay na hindi ka nakatali kung kanino. Masaya ako na kahit di pa kami kasal, ayoko maghangad pa ng higit dun sa ngayun, kasi sobrang sakit sa ulo. Ayusin ko muna buhay ko, finces ko bagu ko siguro maisip yun. Ayan naka pag blog nanaman ako, kahit once a week lang atleast may entry pa rin, Monday nanaman bukas pasok nanaman.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment