Saturday, September 22, 2007
sunday
ang sarap ng feeling ng sunday, makulimlim at walang ginagawa, wag mo lang iisipin na papasok nanaman kinabukasan. Ang dami kong agenda ngayun araw na ito kasu nakakatamad kumilos ang sarap humilata na lang buong araw, para may energy ako sa sususnod na 6 na araw. Nakakapagod itong week na ito, nalipat ako ng account na punta ako sa pitch team, special forces yun sa lahat ng accounts pero sobrang sakit sa ulo ng boss. Parang masgugustuhin ku pa bumalik sa dati kong account kahit na quark ang gamit nilang software.. anung pipiliin mu, sakit sa ulo na boss o sakit sa ulo na software? nakakamiss na bakante ang sabado, pero may usapusapan sa office na by november magiging 5 working days nalang kami basta mapuno na lahat ng slots sa upisina.. sana nga. Nung friday linibre ako ni arnee sa sbarro, nakakatawa isipin na nun lang ako nakakain sa sabarro, ewan ku ba bakit di ko naiisipan magfoodtrip dun, marami kasi tao lagi kaya siguro. Walang tao sa bahay ngayun kasi umuwe sila ilocos, namatay na kasi ang lolo ko sa motherside, halos ilang bwan lang pagitan sa lola ko fatherside, iniiwan na tayu ng henerasyon nila. kapag may mga ganyang pangyayari nakakapagisip ka rin na maraming bagay tulad ng kahit di mo napapansin na lumilipas ang oras, walang hinto talaga yun tumatanda tayo bawat araw,nakakatakot isipin na isang araw magigising ka nalang ilang taon ka na pala di mo man lang naramdaman dahil masyadu busy ang buhay. Sana pwede hindi magtrabahu. Kasi pagnagtratrabahu ka ang bilis ngaraw dahil naghihintay ka lagi ng kinsenas. One week pa bagu magsweldu, bwan bwan nalang sabi ko sa sarili ko na magiipon ako kasu di ku talaga magawa. ewan ku ba bakit, nagtitipid naman akoe, kasu pagdating ng weekend dun ako nakakapagsplurge, pero imnproving naman ako kasi one week nalang sweldu na kahit papanu may 1k panaman ako. Dibaler next payday di ko gagalawin yung 2k sa sweldu ko mag lolong cut nalang ako sa pagpasok sa office para matipid. Haay ang sarap ng linggo, ang sarap ng restday. sana laging ganito...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment