Monday, July 30, 2007
back to work
Back to work nanaman tomorrow, tapus na ang halos one month na vacation, back to reality, back to deadlines, hello photoshop and illustrator. Hay.. Fourth company ko na sa affinity, sa 3 years na tinatakbo ng career ku. Di naman ako nagsisisi na palitlipat ako ng work, kasi valuable experience naman ito na di ko makukuha kung nastuck ako sa iisang kumpanya. Daming magagaling na artist ako nakahalubilo na naging impluwnesya ko, naunder ako sa mentorship ng ibat ibang magagaling na creative director na nag push sa kin sa takbo ng career ku ngayun. Pero ngayun mag eexperimento ako, papasok ako sa affinity, para maiba naman, hindi ahensya ang setup nya tulad ng iba kung pinasukan pero design studio parin sya BPO style nga lang, kailangan ku lang kasi nang variation sa trabaho kasi bored na ako sa usual kung ginagawa. Baka may mga matutunan ako dito ngayun na di ko matutunana sa ahensya. Na realize ko kasi na mahirap na sunud sunuran ka nalang sa flow ng mga bagay dumadating sa buhay mu, maganda din na minsan gumawa ka ng isang drastic move na di mu alam san ka pupulutin. Pikit mata nalang, tignan nalang natin anuing mangyayari.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment