Friday, July 13, 2007

sbado nanaman

sabado nanaman at di pa nangangalahati ang araw bored naku... ang tagal kasi dumating nee nagtext sya ng alasais ng umaga pupunta daw sya alas dos na ala parin ang bruho, malamang nakatulog nanaman kung saan. Marami naman na ako nagawa, nagising ako ng mga 9:30, naligo kasi nawawalan ng tubig dito ng alas dyes, nagpunta ako sa barangay nagpagawa ng clearance tyaka sedula, nakipagchat, naginternet, nagsoundtrip, nanuud saglit ng eat bulaga.. at ngayun nagbloblog dahil wala na ku maisip gawin.. nakakapanibago dami kong libreng oras ngayun, ang saya pero di ako sanay kaya nababato din ako... magdidiet nga ako ngayun linggo subukan ko di kumain ng kanin, nagulat ako nagpamedical ako nung isang araw 118 na weight ko laki ng pinayat ku from 125 na usual weight ko, paabutin ko nga ng 110, kaya kaya? subukan natin wala naman ako gagawin ng dalawang linggo... di ako magkakanin at di iinum ng coke. Mamyang gabi, bday celebration ni Dey, kasu sa makati wala naman ako pamasahe papunta makati, kaya malamang di ako pupunta, dito nalang alo sa bahay tatambay ule kasama si nee yun naman routine ko.. naku nagtext pa si pie.. bday ni shanen at ni mark.. e kung wala aku pamasahe papuntang makati lao na siguro papunta caloocan. well bawi nalang ako next time..

No comments: