Saturday, May 05, 2007
coco asan ka na?
Tagal ko na hinahanap ang sarili ko. Hindi ko alam saan na ako napunta. Hindi ko alam kailan ako nagsimula nawala, parang ang sarap labhan ng buhay ko, gusut gusutin ng ilang beses, lagyan ng sabon, ilang patak ng zonrox at downy... isampay, at pagkatapos plantsahin. Me mga araw na nandito lang naman ako pero me mga araw na nawawala ako, nagsisimula pa lang ang taon ang dami ko nang ginawang matitinding desisiyun sa buhay ko. Pikit mata ko nalang ginawa, sinusundan ko nararamdaman ko.. pero tama bayun makinig nalang sa nararamdaman mo hindi kung sa anu ang tama. Lumagapak na ako sa sahig, pero pakiramdam ko wala pa rin nagbago sa kin. Napakabagal napakahirap bagu makapagbago. Minsan gusto ko umupo sa isang sulok at wag guimalaw kasi parang bawat galaw mu me katumbas na kapalit. Ang dami ko gusto patunayan sa sarili ko sa pamilya ko, pero napakahirap gumalaw, o kahit gumagalaw ka parang pakiramdam mo wala naman nagbabago.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment