sabado nanaman andito nanaman ako sa bahay, mejo ginamit ko ang willpower ko para di lumabas ngayun, kahit na maulan at masarap sanang uminom ng beer. Punta san akao bigsky, pero hindi nalang. Kaya andito ako ngayun, lumabas naman ako saglit nagpunta sa trinoma, ang bagung mall sa tapat ng sm north, naiimagine ko nalang ang itsura ng pinas, after ten years malamang ang mga tao e nakatira na sa loob ng mall dahil bawat square meter ng pilipinas ay binili na ni sy ayala at gokong wei. Malaki ang trinoma parang greenbelt na glorietta, sa laki nga e nawala pa ako sa loob di alam san lalabas, pero okay lang, matapos ng ilang minutong paghahanap e nakita ko din ang exit papunta sa parking lot ng pinarkan ng tatay ko. Kamusta naman ang linggo ko? nakakapagod, hindi dahil sa dami ng ginawa kundi dahil sa panahon, pagumaalis ako ng bahay katingkad tingkad ng araw, at paguwi ko naman kaylakas lakas ng ulan. Monday morning nagpunta ako ng health center at nagpaturok ng injectible contraceptive, masakit sya ha, pero okay lang sa halagang 90 pesos ay naka insure ang future mu. Nung gabi dinalaw ko ang wake ng tatay ni gretch, at dun nagkitakits uli kami ng mga college keberks, nag coffee saglit para makapag catc up an. Lahat kami ay kumuha ng advertising pero nakakatuwa na iilan lang kami nagtrabaho sa ahensya. Pero lahat kami ay tinuloy ang mga gusto talaga namin gawin.
Tuesday umuwi ako ng maaga para manood ng Philippine Next Top Model, natitbo nanaman ata ako, kasi parang me crush ako ke Rina, ang ganda ganda nya at ang simple simple nya, di ko lam kung sya mananalo kasi malulupit at parang mas model ang dating ng mga kasama nya, pero kahit na ganun crush ko pa rin sya. Wednesday, office bahay lang, mejo masama ang pakiramdam dahil sa panahon, thursday nagkita kami ni arnee, tumabay sa kwarto at halos wala nang tulog. friday, office bahay uli dahil malakas nanaman ang ulan kahit masarap sana uminom, nanood nalang ako ng gilmore girls, nakakaaliw ang series na yon parang hindi na sya natapos tapos. Saturday, dumating si jerry ng purelife uk, okay yung inooffer nya sa kin mutual fund, pero bibili muna ako ng laptop bago isecure ang pera ko ng limang taon. Iyon lang naman ang nangyari sa kin this week.
Saturday, May 26, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment