Sunday, May 27, 2007

Foodtrippin

Kapag tatanungin mu ko ano ang favorite hobby ko agad kong isasgot ay foodtrippin... maykasama, magisa, sa labas sa bahay, kahit saan... lalo na pagstress, ngayun relax ako mejo hindi ako nagfoofood trip pero dati nung nasa dati kong work pa ako, well 1/4 nang sweldo ko eh napunta sa food.La ako favorite na food, pero ugali ko pag maynagustuhan ako yun yung lagi kong kakain at hahanaphanapin ng ilang bwan... nung highskul ako, merun akong cheeseburger mc do phase, na naglast siguro hannga grumadweyt ako ng higschool, la na ako ibang kinain sa mcdo na tambayan naman namin after school kundi cheeseburger, kahit weekends dahil walking distance lang ang mc do sa bahay e cheeseburger meal pa rin ang kinakain ko. Nung college well dahil stress lagi sa dami ng plates at puyat mejo marami rami ako food cravings nun, yung sizzling spareribs sa almers, sa likod lang yun ng uste, sa may dapitan. hmmm sa halagang 45 pesos merun ka nang sizzling sparibs na lumalanguy sa gravy na may mush potatoes pa. Sa SR Cuisine, sa gilid ng uste, mga kakaibang thai food naman dito. Di ko makakalimutan yung sioami, sa gilid din ng uste sa 10 pesos me 4 na siomai ka na, di naman ako nagka hepatitis dito kaya masasabi kong safe sya. Yung mga ibat ibang sandwhiches at shakes sa coffee indulgence. Mejo kamahalan nga lang pero masarap tambayan yung place kaya minsan bumibili lang kami ng fishball sa labas at kinakain dito. Sa loob naman ng uste dati me tinatawag na coop. Peru ngayun ginawa na syang parking lot.. habang stress ng sa thesis kasama ko ang mga pagkain dito, me nachos, kwekkwek shawarma... yung ang trip ko araw araw nun. Sa Pageshop naman yung una kong company, ang araw araw namin kinakainan ay ang Banangs, astig dito yung mga pansit guisado nila at ang cute na anak ni Banang na tinawag namin banang boy, minsan lumilipat kami sa kabilang kariderya pag meatballs day, yun lang inaabangan namin ulam dun pag la meatball banags kami. Pagbagung sweldo o me natira sa sweldo naman at trip maglakad nagpupunta kami sa Bigscoop sa may pinaglabanan. The best dito yung chocomint ice cream nila, yum yum.. tapus yung spaghetti with meatballs nila.. hay nakakamiss. Yung ex ko dati, wala kami ginawa sa buong pagsasama namin kundi mag bilyar magfoodtrip at magmo..mall. Suki kami sa foodcourt ng mga sm nun, kasi syempre kakagradweyt palang at mababa pa ang sahod hehhe, suki kami sa binalot, favorite ko dito yung tapsilog, namay kamatis itlog na pula. Pag talagang poor kami at ni pamasahe papunta mall e wala pansit canton, rice in a box at barbeque lang kami solb na. Habang tumatanda e tumataas din ang level ng stress at ang kapasidad kong gumastos sa pagkain kaya nung nasa indio ako yung pangatlong company ko e kakaiba na ang level ng foodtrippin ko. Pag lunch, at bagung sweldu kami, o pag ot at napagkaisahang sabaysabay magdinner North Park ang nasa listahan namin ng delivery, Yang Chow rice yun ang pinagkakaaddictan ku nun. Sa umaga naman pag mejo lahat e di nakakain sausage mc muffin naman at hushbrown kami sa mcdo. At pag maaga ako nakakauwe at walang magawa Mexicali ang dinadayo sa megamall, addict naman ako sa groundbeef burrito dun.. mga huling araw ko naman sa Indio e naaddict ako sa lasagna ng greenwhich. Ang dami nuh? di pa ko tapus, pagnasabahay lang naman ako, at walang lakad sa weekend, naging ugali ko na magpunta sa fairview centermall at magshawarma dun at bumili ng isang slice ng blackforest na cake, at mag zagu. Sa bahay naman syempre di ko makakalimutan ikwentu yung mga specialty ng nanay kuh, yung kare kare nyang ubod ng sarap na special occasions lang namin natitikman. Yung vigan longganisa na natitkman lang namin pag me nagpapadala galing ilocos. Yung bagnet. Pero kahit Ilocano ako mas mailig pa rin ako sa lutong tagalog kasi siguro bihira ko matikman sa bahay, tulad ng chicken adobo na me patatas, sinigang na baboy, caldereta. Pag chicha naman ang paguusapan eh, naaddict din aku sa Potato Chips na kulay blue yung cheese ang sourcream flavor, chuckie o magnolia chocolite, cream-o, meji black chocolate, pringles at chips ahoy. Yun lang naman... hehe di naman halata na mahilig ako sa pagkain nuh?

No comments: